Janine Gutierrez, nagluluksa

September 22, 2022

Abot-langit ang lungkot na nararamdaman ngayon ng aktres na si Janine Gutierrez nang pumanaw ang kanyang alagang aso na si Calibear.

Sa isang social media post, binigyan ng dalaga ng pa-tribute ang kanyang pet dog na nakasama niya ng halos 13 years at itinuring na niyang BFF mula pa noong kabataan niya at ipinost ni Janine ang ilang litrato nila ni Calibear kalakip ang madamdamin niyang mensahe bilang fur parent.

“Hi, my girly. thank you for the 12 and a half years of being the best girl. It was a joy to grow up with you and it still breaks my heart that I won’t be seeing you anymore. thanks for giving us all your love and for staying as long as you possibly could,” sabi ni Janine sa caption.

“I’m happy we got to tell you everything and hug you and hold your hand before you had to go. we love you so much girly and I think of you all the time. I miss you already but it gives me comfort to know that you’re probably eating all your favorite food now and running free. Know that your spot under the table is yours forever. love you always calibear. you’ll always be the best girl,” dagdag niya.

Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay mula sa mga netizens at kaibigang celebrities ni Janine para sa pagpanaw ni Calibear.

Bukod sa kanyang inang si Lotlot de Leon, nagbahagi rin ng mensahe sina Kaila Estrada, Carla Abellana, Christian Bables, Cherry Pie Picache, Janice de Belen, Ben Alves at Chie Filomeno na last month lang ay namatayan din ng alagang aso.

Bukod kay Cali, may isa pang fur baby si Janine, si Buggy na palagi rin niyang kasama sa mga litratong ipinopost niya sa Instagram.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial