Alice Dixson, beauty pa rin

6 days ago

Hanggang ngayon ay young-looking pa rin ang aktres na si Alice Dixson at sa edad na 53, mako-consider pa rin si Alice bilang isa sa sexiest actress sa bansa dahil kering-keri pa rin niya ang magsuot ng bikini sa kanyang mga pictorial and endorsements.

Bukod sa regular niyang pagwo-workout, she’s also into golf, biking, swimming, at iba pang uri ng sports, yan ay base na rin sa mga nakikita natin sa kanyang social media posts.

Nito lamang nakaraan ay nagbahagi si Alice ng kanyang naging experience na aksidente noong nag-skydiving siya.

“Many of you do not know that I had a skydiving accident in my 20s. Basically my parachute went too close to the trees and the wind pulled me down faster than I could belay / flare (I think one of those is the term, but it’s been so long!),” sabi ni Alice.

“And though I felt fine after, fast forward to my 40s—I knew it took a toll on my spine as I landed on my butt ha! instead of my feet *ouch*,” dagdag pa niya.

At kahit na raw ilang dekada na ang nakararaan nang maganap ang aksidente, sinubukan pa rin niyang sumailalim sa spinal decompression treatment.

“I knew my back needed to try this! Why? Because Spinal Decompression hydrates your disk by pumping fluid into the spine. Heals disc bulges or disc herniation. Puts motion in the spine. Sorry guys, it doesn’t make you taller! Ha ha!” sabi ni Alice.

“This treatment is good for slipped disc, non-surgical slipped disc, therapy, low back pain, sciatica, neck pain or even arm pain,” dagdag pa niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial