Taiwan, tinamaan ng lindol

September 21, 2022

Sunod-sunod na lindol ang naranasan sa buong Taiwan nitong nakaraang Sabado at Linggo at sa kuha ng ilang mga netizens na naipost sa social media, kita ang pagyanig sa Taipei City Linggo ng hapon.

Mahina lang noong una pero biglang lumakas. Nawalan pa ng balanse si Catherine.

Sa mga videong ibinahagi naman ng Central News Agency na government media arm ng Taiwan, nabalot ng makapal na abo ang gusaling ito sa Fuli district sa Hualien county matapos ang magnitude 6.8 na lindol nitong Linggo ng hapon, base sa Central Weather Bureau Seismological Center.

Sa lakas ng pagyanig, nasira rin ang ilang gusali. Kita rin ang pagkasira ng tulay sa isa pang bahagi ng Hualien country.

May nadiskaril ding tren sa Dongli station sa Fuli. Bago ito, naitala rin ng Central Weather Bureau Seismological Center ang magnitude 6.4 na lindol sa Taiwan nitong Sabado, September 17.

Pinayuhan naman ng MECO Labor Attache ng Pilipinas Taiwan ang mga Pinoy na magreport sa Labor hotline: 0932218057 sakaling apektado sila ng lindol at nangangailangan ng tulong.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial