Bianca King, ayaw ng gender reveal

September 21, 2022

Hindi pala trip ng aktres na si Bianca King na magkaroon ng gender reveal ng kanyang magiging baby at mas gusto raw nila ng asawang si Ralph Wintle (kapatid ng mister ni Iza Calzado na si Ben Wintle) na hindi muna nila malaman ang gender ng magiging baby nila.

“Wala pa ngang gender, hindi nga namin alam kasi ayokong malaman,” sabi ni Bianca. “Gusto ko ‘yung thrill na hindi ko alam kung ano ‘yong magiging gender ng anak namin.”

At kapag nalaman na nila kung lalaki o babae ang sanggol na isisilang niya, saka pa lamg daw sila mag-iisip kung ano ang ipapangalan nila sa panganay na anak.

Sa nasabi ring panayam, muling nabanggit ni Bianca ang plano niyang water birth tulad ng panganganak nina Max Collins at Coleen Garcia.

Aniya pa, baka raw sa Australia na rin siya manganak dahil nangako ang mga kapamilya at ilang kaibigan nila ng asawa na personal silang bibisitahin doon kapag isinilang na ang kanilang anak.

Sa isang Instagram post ni Bianca, nagbigay siya ng update tungkol sa kanyang pagbubuntis, “In the middle of my 2nd trimester and thinking about a birth plan. Prepping the nursery now so that I can relax during the 3rd tri & train for the marathon of birth & post partum.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial