SUBSCRIBE NOW

ISA, PATAY SA HAZING!

ISA, PATAY SA HAZING!
Published on

Isang estudyante ang naiulat na namatay dahil umano sa pagsasailalim nito sa hazing ng isang fraternity sa University of Mindanao habang nadakip naman ang walong lalaking miyembro ng Alpha Kappa Rho (AKRHO) Delta Chapter fraternity na sangkot umano sa hazing.

Ayon sa mga pulis, nadakip ang mga ito sa parehong araw ng hinihinalang hazing at pinaghahanap pa ang anim na iba pang sangkot umano sa krimen na nakatakas mula sa mga awtoridad.

Sinabi ng Davao City Police Office (DCPO) na nakatanggap sila ng sumbong na may isang bangkay na natagpuan sa Upper Mandug, Buhangin District matapos ang umano'y hazing. Sugatan naman ang isa pang estudyante.

Una nang naglabas ng pahayag ang University of Mindanao na may mga estudyante sila mula sa College of Criminal Justice na sangkot umano sa naturang hazing. Handa naman ang paaralan na makipagtulungan sa imbestigasyon ng kapulisan.

Bawal ang lahat ng fraternity sa paaralan alinsunod sa Republic Act 8049 o anti-hazing law, at hindi nito kinikilala ang nasabing fraternity group.

"The AKRHO Alpha Delta Chapter is not a recognized organization in the university, including their illegal activities and roster of membership," sabi ng pamunuan ng unibersidad.

Haharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ang mga naarestong suspek.

Ang biktima ay kinilalang si August Ceazar Saplot na isa umanong criminology student at posible raw na ang kanyang ikinamatay ay ang resulta ng paghataw sa kaniya ng isang matigas na bagay, base sa mga awtoridad.

Nag-collapse raw ang biktima sa kalagitnaan ng initiation.

Nanawagan naman ang kaanak ni Saplot ng hustisya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph