Graduating student patay sa hazing

September 20, 2022

Isang 4th year college Criminal Justice Education student ng University of Mindanao (UM) ang patay dahil umano sa hazing nitong Linggo sa Lungsod ng Davao.

Napag-alaman na ang nasawing estudyante ay isang neophyte at, bukod sa kanya, ay mayroon ring malubhang nasaktan na isa pang estudyante.

Sa inisyal na impormasyon, miyembro umano ng AKRHO Alpha Delta Chapter fraternity ang nagsagawa umano ng initiation sa dalawang estudyante na, ayon pa sa pamunuan ng paaralan, naganap sa labas ng university vicinity.

Mariing kinondena naman unibersidad ang hazing incident lalo pa’t matagal na umanong ipinagbawal sa naturang unibersidad ang pagsasagawa ng ganito mula nang maisabatas ang Anti-Hazing Law.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang UM at nangakong magsasagawa ng malalimang imbestigasyon para sa ikapapanagot ng mga sangkot sa insidente.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial