Babae patay sa selos

Literal na namatay sa selos ang isang ginang na pinagbabaril ng kinakasama nitong Sabado sa Alamada, Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Marlin Soriano (36) negosyante at residente sa Purok 5, Brgy. Pacao habang ang suspek na nakilalang si Arnold L. de Lima ay naaresto sa isinagawang manhunt ng pulisya.

Sa ulat ng Alamada Municipal Police, dakong alas-9:00 ng umaga nang naganap ang krimen sa bahay ng mag live in partner.

Kararating lamang ng biktima mula sa kanyang Milk Tea shop sa Nicaan, Libungan, na inihatid ng isang Warren Ferolino, at pagpasok nito sa kanilang bahay ay sinalubong na siya ng pagtatalak ng suspek.

Doon na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila hanggang sa pagbabarilin ng suspek ang biktima na agad niyang ikinasawi.

Naaresto rin naman ang suspek kinabukasan ng hapon at nahaharap sa kasong pagpatay.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial