Vivoree Esclito, sawi sa love

September 19, 2022

Inihayag ng actress-singer na si Vivoree Esclito na marami na siyang natutunan sa pakikipagrelasyon matapos niyang masawi sa pag-ibig nitong mga nakaraan.

Ayon sa dalaga, ang mga na-experience niya sa pakikipagrelasyon ay nakatulong din sa kanya para maging “better person.”

“Well ako I’m just going with the flow naman. Hindi ko naman maitatanggi na I’ve had mga things with guys before pero sobrang importante talaga sa akin yung self-care. Every time I get my heart broken talaga parang I focus on myself more and parang I really want to grow in myself and be a better person,” sabi ni Vivoree.

“Kasi you know, once dumating na yung para sa ‘yo talaga, you’ll be fully prepared kumbaga and you know na para sa iyo talaga and you know your worth na. Hindi na siya kagaya ng dati na you know nothing about love kaya wala ka rin parang nagagawa when you get your heart broken,” dagdag niya.

Pero kahit pa anong status ng kanyang lovelife at kayang gampanan ni Vivoree ang iba’t ibang roles, kabilang na riyan ang pagpapakilig.

“Yes. Sa mga projects naman talaga na ibinibigay sa akin pag may factor naman talaga na there’s love or there’s kilig. It depends din naman sa tao. If you’re single and you’re working, puwede ka naman maghanap ng sarili mong kilig eh. Ha-hahaha! Like manood ka ng mga videos sa YouTube or you can read a book about fictional love, ganu’n. Sa mga ka-work mo naman parang nabi-build mo yung chemistry and then yung kilig is there naman. Mararamdaman mo naman talaga yun,” sabi niya.

Dagdag pa niya, kahit puro supporting roles ang ginagampanan niya ay wala naman daw itong problema sa kanya at nagpapasalamat pa rin siya sa ABS-CBN.

“I really do think that I still have a long way to go and marami pa akong puwedeng matutunan and sa mga roles ko din, marami pa akong kailangan i-discover about myself. And marami pa akong roles na gustong gampanan. Aside from acting, I also want to explore music kasi first love ko talaga yung music, singing, and dancing. I learned to love acting lang after PBB when I joined acting workshops so marami pa akong gustong matutunan and ma-experience,” pahayag ni Vivoree sa virtual mediacon ng “Love Bites”.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial