Jennica Garcia, nanghihinayang

September 19, 2022

Nanghihinayang pala ang aktres na si Jennica Garcia na hindi siya nakasama sa “FPJ’s ang Probinsyano” dahil talagang wish niyang makasama sa top-rating teleserye ni Coco Martin sa ABS-CBN.

Pero dahil natapos na ang teleserye, nawala na ang pagkakataon niyang makasama si Coco.

Sa kanyang Instagram account, idinetalye ni Jennica ang kanyang panghihinayang.

“SIDEKICK NI COCO MARTIN CUTIE. Jenni Dalisay nga pala guys! Story time tayo. Alam niyo ba na isa ako sa mga sobrang nalungkot nu’ng natapos na ang ‘Ang Probinsyano’? Nu’ng bumalik kasi ako sa pag aartista last year sabi ko sa sarili ko, makasama ko lang si Mister Coco Martin sa isang proyekto, siguro makakapag ipon ako ng husto tapos makakabili rin siguro ako ng tahanan namin ng mga anak ko,” sabi niya sa caption.

“Matagal kasi ang naging run ng teleserye ni Mister Coco Martin. Napakahusay niyang actor at nakikita ng mga manunuod ang sinseridad niya sa mga proyekto na kanyang ginagawa. Dagdag mo pa na lahat ng actor na kasama sa Ang Probinsyano ay magaling din sa larangan ng pag arte,” dagdag niya.

Bilib na bilib din si Jennica sa pagiging matulungin ni Coco.

“Ang daming nagmamahal at naniniwala sa husay ni Coco Martin. Mahal na mahal siya ng mga katrabaho niya at di lang ng mga artista. Hanggang staff at crew malaki ang paghanga sa kanya. Mister Coco Martin earned it dahil masipag at matalino siya. Hindi rin mawawala yung paghanga at kilig ko syempre para sa kanila ni Julia Montes. HAHA!” sabi ng dalaga.

Inamin niyang malaki ang panghihinayang niya nang magtapos ang show ni Coco.

“Nung natapos yung Ang Probinsyano napasabi talaga ako ng ‘Sayang, hindi ko inabot. Hindi ako nakasali sa kanila.’ PERO, PERO, PERO ayos lang dahil itong proyekto na ginagawa ko ngayon may kasama akong AGILA! Si Miss Angel Aquino na ubod ng ganda. Isa pa, hindi naman dun nagtatapos ang proyekto na gagawin ng isang Coco Martin. May chansa pa LESGAW! Flex ko na ngayon pa lang para pag nangyari balikan po natin itong post ko ha. P.S. Lord pagalawin mo na po yung baso. Handa na po ko sa ilalapag mo,” saad ni Jennica.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial