Seguridad sa Maguindanao plebiscite, pinaigting

Pinaigitng ng kapulisan ang seguridad sa ginawang plebesito sa panukalang paghahati ng lalawigan ng Maguindanao nitong Sabado.

Mula sa inisyal na 1,000, nasa 2,500 na tauhan ang na-deploy sa iba’t ibang polling precinct sa Maguindanao, kung saan gaganapin ang botohan at pinag-botohan ng mga residente sa 36 na bayan kung pabor sila na hatiin ang Maguindanao sa 2 probinsya: Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

May ipinaiiral din na gun ban ang Commission on Elections ngayon sa Maguindanao at naglagay ng nasa 200 checkpoints sa mga kalsada.

Sa datos ng Comelec, mayroong 818,790 na rehistradong botante sa lalawigan.

Umaasa ang Comelec na gaya ng matagumpay na pagdaraos ng plebisito sa Calaca, Batangas ay magiging maayos din ang kabuuang proseso ng plebisito sa Maguindanao.

Sa datos ng Comelec, mayroong 818,790 na rehistradong botante sa lalawigan.

Nilinaw ng Comelec na ang probinsiya ng Maguindanao ang gagastos sa kabuuang proseso ng plebisito at hindi ang komisyon.

Ayon sa Comelec, naka-angkla ang prosesong ito ng plebisito sa Republic Act 11550 na nagsusulong ng paghahati sa Maguindanao sa dalawa.

Sakaling manalo ang “yes” votes, mabubuo ang Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.

Ang mga polling places din na ginamit noong May elections ang gagamitin sa Maguindanao plebiscite. Mano-mano ang gagawing pagboto.

Ang tanong sa plebisito ay sa Tagalog at mayroong Arabic translation.

Sa pagsasara ng polling places, sisimulan naman ang mano-manong pagbilang sa mga boto. Kasunod nito ay ang paghahanda sa mga plebiscite returns na isusumite naman sa Municipal Board of Canvassers.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial