Roxanne Barcelo, buntis uli

September 18, 2022

Happy ngayon ang singer-actress na si Roxanne Barcelo dahil magkakaroon na sila ng second baby ng kanyang non-showbiz husband.

Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Roxanne na isa na namang baby boy ang kanilang magiging second child.

Sa naturang vlog ay makikitang gumagala at ine-enjoy nila Roxanne kasama ang kanyang mag-ama ang Taiwan maging ang mga sikat nitong mga street food.

Makikita rin na talaga namang super happy at super grateful ng aktres sa mga priceless moments kasama ang kanyang pamilya.

“We had such a wonderful full day here at Danshui and Jiggs really surprised us. It was so much fun. We had so much street food, yummy food. We went to these little shops. And I hope you guys enjoyed our little trip. I was just surprised at how beautiful this day was,” saad ni Roxanne.

Pagkatapos ay inaya niya ang asawa na mag-on cam para ibahagi sa madlang pipol ang kanilang surprise.

“We’re pregnant!” walang kaabog-abog na sinabi ni Jiggs.

“We’re having our second baby boy in a few months! End of January! Thank you guys for joining us in this journey!” sabi ni Roxanne

Super happy naman ang mga netizens sa pa-buntis reveal ng actress-singer.

“Yesss!! Congratulations Ate Rox on a new baby!! You deserve all the blessings that you have now. May our Creator always shower ypu more with blessings, guidance, and happiness. Love love love Ate Roxanne!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Yey! Congrats guys! Wishing the baby to be healthy and as gorgeous as baby Cinco. Take care badidaps!”

“I am sincerely happy for you Roxanne!!! God bless you and your family,” sey naman ng isa pa.

Isang taon rin mahigit ang pagitan ng pagdating ng kanilang second baby dahil ipinanganak niya noong June 2021 si Baby Cinco.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial