Rita Daniela, pumalag sa tsismis

September 18, 2022

Pinalagan ng aktres na si Rita Daniela ang lumabas na fake news tungkol sa kanya and her non-showbiz boyfriend at pinasinungalingan ng Kapuso singer-actress ang balitang diumano’y hiwalay na sila ng kanyang businessman boyfriend bago pa siya nabuntis nito.

Tila ba pinapalabas ng nasabing fake news na nabuo ang ipinagbubuntis ngayon ng aktres dahil sa tinatawag na breakup sex.

Ito ang in-address ni Rita sa kanyang magkasunod na Facebook post.

“FYI, I have never been interviewed by anyone else than Kuya Nelson Canlas of GMA News/Showbiz Report about my pregnancy and personal life,” saad ni Rita.

Nanawagan din s’ya sa publiko na huwag suportahan ang FB fan page sa pagpapakalat ng maling balita para magparami ng likes at comments sa kanilang social media account.

“Please don’t ever believe this nonsense and I hope that you don’t support this page and the people behind this page because it is clearly spreading fake news just to get likes and comments,” dagdag pa niya.

Ipinauunawa rin n’ya sa lahat na bagama’t nasa showbiz s’ya, mas pinili umano n’ya na isapribado ang kanyang pagbubuntis at personal na buhay.

“My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way. Wala po akong ginagawang masama sa inyo, Kapuso Celebrity. Ako ay nanahimik lamang at sana kayo rin,” saad pa n’ya.

Hindi pa iyon natapos doon dahil kinuwestiyon ng aktres ang mga nasa likod ang pekeng balita sa comment section kung saan ba nila napulot ang kanilang impormasyon. Wala naman daw kasing nag-interview sa kanya maliban kay Nelson Canlas na nabanggit n’ya sa nauna n’yang post.

“With all due respect, where did you get all this information? Because as far as I can remember, I was never interviewed by you and your team,” sabi ng aktres.

“Ako po ay nanahimik lang at sana kayo rin. My pregnancy journey and my personal life has always been private and I chose it that way. So, who are you to spread fake news and make people believe with all these?”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial