Bea Alonzo, intelehente

September 18, 2022

Bilib na bilib ang veteran actress at batikang director na si Gina Alajar sa aktres na si Bea Alonzo kahit first time lang nila magsama para sa isang proyekto.

“With Bea, first time ko siyang naka-trabaho at first time ko rin siyang na-meet,” sabi ni Direk Gina. “Siguro kung hindi siya lumipat, I wouldn’t have the chance to work with her. Pero, I was surprised kasi, napakabait na bata. Ang ganda-ganda ng pagpapalaki ng magulang niya. I want to commend, I want to congratulate the parents. And to the mother, she’s very, very close to her mother at sa magandang pagpapalaki sa bata. She’s very intelligent.”

“Alam niya kung paano patakbuhin ang buhay niya. Alam niya kung ano ang gusto niya. Diretso ang pag-iisip niya. May mga plano siya sa buhay niya and alam niya on how to get it. Alam niya kung ano ang dapat gawin sa buhay niya,” dagdag niya.

Nanggaling din kay Direk Gina na mukhang wala pang plano si Bea at ang boyfriend nito na si Dominic Roque na magpakasal na.

“Matagal pa bago siya magpakasal pero I don’t know lang ha… but she’s so in-love, e. Pero sa mga k’wentuhan namin, marami pa siyang gustong magawa. Marami pa siyang gustong gawing pelikula. She writes so, gusto niyang magsulat. Siguro, eventually one of these days, baka makita natin siyang magdidirek. Baka nasa plano niya ‘yan. Napakatalino na bata.”

Hindi raw niya inaasahan na gano’n pala si Bea.

“I didn’t expect her to be like that. I didn’t expect her to talk about anything. Minsan ako pa ang natututo,” saad pa ng director.

Galing na galing si Direk Gina kay Bea sa pelikula nitong Four Sisters and a Wedding. At napakahusay rin daw mag-memorize.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial