Totoy pinatos si tita

Hindi sukat akalain ng isang misis na magagawang gahasain siya ng kanyang mismong pamangkin na itinuring na niyang anak sa loob ng kanyang bahay sa Quezon, Nueva Vizcaya, nitong Martes.

Sa ulat ng Quezon Police, pasado 1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente, ayon sa biktima na itinago sa pangalang Lena (28).

Mahimbing na umano siyang natutulog nang magising na lamang na nakaibabaw na ang kanyang pamangkin na itinago rin sa pangalang Leroy (19) sa kanya at pinapagpaparausan siya.

Sa gulat niya ay pinagsasapok niya ang pamangkin na napahinto rin sa ginagawa saka mabilis na tumakbo ng bahay kahit pa walang suot na damit.

Napag-alamang bago ang insidente ay nag-inuman pa umano ang biktima at iba nilang kaanak kung saan ay tumatagay din ang suspek.

Nang magkalasingan na ay nag-uwian na rin ang mga kamag-anak nila at natira nalang silang mag-tiyahin sa bahay.

Sa kalasingan ay mabilis namang nakatulog ang biktima na sinamantala naman ng pamangkin.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng nasabing himpilan ang suspek na nahaharap sa kasong rape.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial