Suklay ni Heart Evangelista, soaring ang presyo

Ilang mga netizens ang napa-react hanggang langit nang malaman nila ang presyo ng suklay ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista.

“Grabe pati suklay ni Heart di ko afford mars! Nakakalagas ng buhok yung presyo! Check nyo dito kung magkano,” saad sa comments ng tatlong larawan ni Heart kung saan siya ay nagsusuklay na lumabas sa isang Facebook account.

Ang nasabing suklay ay ang Luxelle Low Level Laser Growth Comb na ang original price ay P6,825. Naging P5,802 matapos mabawas ang 15 percent discount.

Of course, nagpiyesta ang netizens sa papuri kay Heart. Uber sosyal raw ito at walang katulad.

“Hinampas na naman tayo ng kahirapan.”

“Siguro pagganyan suklay namin sabahay kahit sa pagtulog itatabi ko waq lanf mawala sa paningin ko.”

“kung sa tig bente tumatawad pa ako haha tas ito?” “Jusko mapapakamot ka na lang kahit di makati.”

“Pag ako meron nyan ipapa laminate ko.bawal gamitin.”

“ung gas stove at gasul kong katumbas lang ay suklay…kampayyyy.”

“Grabeh ang mahal ah.”

“Mas love q prin ung suklay qng more than 15years q ng gamit. Nd prin xa nabubungal infairnessss.”

“Nakakatakot humawak ng suklay nya baka matangalan pa ng Isang hibla.”

“Sana all my suklay na ganyan.”

“Ang swerte naman ng mga kuto sa buhok.”

Ilan lamang iyan sa mga comments na nakuha ng mga larawan ni Heart.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial