Mr. inireklamo si Mrs, kabit

September 17, 2022

Isang kaawa-awang mister ang nagsampa ng reklamo laban sa kanyang misis at isang kagawad dahil sa pakikipag-apid.

Ito ay matapos niya mahuli anh mga ito na nagsasama pala sa iisang bubong ang dalawa sa sa Cauayan City, Isabela noong Miyerkules.

Sa ulat ng Cauayan City Police Station ay  nagtungo umano sa kanilang himpilan ang biktimang itinago sa pangalang Rico, 32, construction worker upang ireklamo ang kanyang misis na itinago sa pangalang Mich, 32, Marabulig 1, Cauayan at kalaguyo niyang isang barangay kagawad na itinago rin Purok 2,  Brgy. Minante 2.

Kasama ng biktima sa himpilan ng pulisya nang isinuplong ang misis at kaapid nito, ang kanyang ina at kapatid na sila ring nakaalam ng panlolokong ginagawa ng manugang.

Napag-alamang naninirahan ang kanyang misis at kalaguyo sa inupahan ng kagawad na bahay, agad namang nagtungo doon ang pulisya upang kumpirmahin ang reklamo kasama rin ang biktima.

Nang positibong makumpirma na nagsasama nga sa iisang bubong ang dalawa ay agad din silang binigyan ng counter affidavit para sabihin ang kanilang depensa na dapat ay maisumite nila within 10 days.

Matagal na umanong may relasyon ang dalawa subalit ngayon lamang naaktuhan na magkasama sa iisang bahay.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial