Julia Barretto, handang magpatawad

September 17, 2022

Inamin ng aktres na si Julia Barretto na handa niyang patawarin ang kanyang ama na si Dennis Padilla na siyang unang pagkakataon na isiniwalat niya matapos nilang magkaroon ng isyu sa kanyang pamilya.

Sa panayam ni Karen Davila sa kanyang vlog sinabi ni Julia na hindi pa rin sila nag-uusap ng kanyang ama.

“I’ll be very honest, we have not spoken. It’s because I have so much fear inside me now if I’ll be very open. I’m just really scared because I feel like over the years, it’s been a cycle of making up and getting hurt. Then, making up and getting hurt. I kinda just want to huminga lang from that cycle. You know, I’ve just been praying also na I don’t know, maybe in God’s time and way, mag-meet kami in the middle without having to get hurt again,” sabi ni Juila.

Nang tanungin kung mapapatawad niya ang kanyang ama, ito ang isinagot ng dalaga.

“I think, it’s not difficult for us to forgive but it’s really difficult for us to just… it’s not the forgiveness, it’s to forget. But I think, it’s just lot of fears. I don’t know what’s gonna happen. But forgiveness, of course, definitely, that’s for my own peace of mind, ’di ba? Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I’m just not ready. There’s just been so much pain over the years since I was young. I got tired of the same thing,” saad ng dalaga.

Kung matatandaan, nabatikos na si Julia dahil sa alitan nila ng kanyang ama at ang isa sa madalas ibato kay Julia ay may kinalaman sa “Igalang mo ang iyong ama at ina.”

Inamin naman ng Viva actress na may burden siyang nararamdaman dahil dito at may pagkakataon pa nga raw na tinatanong niya ang Panginoon.

“Yes, of course… ’di ba nga, sa commandment, sa Bible, no matter what happens, they’re your parents. I always ask God actually, I always ask Him. ‘You know, God, I know that a parent is a parent. I’m only just the child. But at the same time, saan ’yung boundary na a child is also allowed to get hurt? Have their own pains?’ I just need more love from him. I think, I just need more love, more protection. I just feel like he should be my number one protector and that’s not what I’m really getting from him so it does hurt. It does hurt because dapat siya ang tinatakbuhan ko, ’di ba? But it’s sad that I can’t. I pray for it like, ‘God, can you forgive me even if right now, hindi pa okey ang lahat?” sabi ni Julia.

Hindi rin itinanggi ni Julia na may pagkakataon daw talaga na nagri-reach-out sa kanya si Dennis. Pero, hindi pa lang daw siya ready na harapin ito.

“I won’t lie, I mean, he’s tried. But I’m just really not ready. I don’t wanna force myself also because if you force yourself, then it’s not genuine, hindi siya totoo. I wanna get to a point na, you know, when we speak, I’m ready. It’s just years of the same conversation. So, I don’t know na pag nag-usap kami, what I could say differently for things to be okay forever na,” sabi ng dalaga.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial