Donnalyn Bartolome, nambiktima

Ang “It’s Showtime” host at business owner na si Ryan Bang ang isa mga bagong biktima ng prank ng singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome noong magsama ang dalawa para mag-shoot ng vlog para sa YouTube channel ng komedyante sa loob ng kanyang Korean restaurant.

Sa prank ng dalaga, makikitang naging maayos ang shoot nila para sa vlog ni Ryan ngunit nang matapos ito ay pasimpleng kinausap ng dalaga ang komedyante sa gilid upang tanungin kung may budget ba ang kanilang shoot at kung makakatanggap ba siya ng TF o talent fee.

Kunyari ay nahihiya si Donnalyn kay Ryan nang hingian niya ito ng pera at tinanong kung maaari bang i-send na niya ito agad sa kanya dahil kailangan na niya ng pera, kaya naman nagtanong na ang binata kung may problema ba itong pinagdaraanan.

“May pinagdaraanan ka ba? Bakit? Pera? ‘Di ba maraming nanonood sa ‘yo sa YouTube? Ano ba ginagawa mo?? Tigilan mo ‘yung mga bisyo. Baka may bisyo ka,” sabi ni Ryan,

Pinayuhan rin ng binata ang kaihigan na mag-ipon ng pera at pinagalitan ito sa pagiging mahilig sa kotse,

“Tignan mo ha. Kahit gaano kalaki ang baso, kapag may maliit na butas hindi mapupuno ng tubig. Kaya dapat walang butas,” sabi pa ng TV host.

Pero talagang hindi nagpapigil sa kanyang prank si Donnalyn at hindi tinigilan hangga’t hindi nito inaabot ang pera sa kanya kung saan noong una ay plano ni Ryan na magbigay ng P50,000 ngunit humirit ang vlogger na gawin na itong P100,000.

Pumayag naman si Ryan sa hiling ni Donnalyn ngunit idedeposito na lang daw nito ang balance at kalahati muna ang maibibigay nito.

Kinulit pa rin ni Ryan ang kaibigan kung ano ang problema nito at paulit-ulit na sinabing mag-ipon ito.

Hanggang sa pagsakay sa kotse ay in character pa rin si Donnalyn at doon na nga inabot ni Ryan ang kanyang “talent fee”.

Umalis sila saglit at pagbalik nga ay doon na ini-reveal ng dalaga ang katotohanan.

“Ryan, it’s a prank!!!! Hindi ako nanghihingi ng TF,” sey ni Donnalyn habang inaabot ang perang ibingay ng komedyante.

Nagpasalamat naman si Ryan na hindi totoo ang paghingi nito ng TF pero sinabi niya na mas gusto niyang jowa challenge.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial