Catriona Gray, nagpaliwanag

September 17, 2022

Ilang raw nang missing in action si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga kaganapan sa entertainment industry nitong mga nakaraang araw kaya naman maraming netizens na ang nagtatanong kung ano ang nangyari sa dalaga.

Kaya naman nitong nakaraan ay inamin ni Catriona na tinamaan siya ng matinding karamdaman kamakailan at ngayon lang bumubuti ang kanyang kalagayan.

Sa kanyang IG, inamin ni Catriona na nagkasakit siya kaya hindi siya masyadong masyadong visible sa mga showbiz events at iba pang mahahalagang ganap, pero wala naman siyang nabanggit kung ano ang kanyang naging karamdaman at kung ano na ang eksaktong estado ng health condition niya ngayon.

“Been MIA the last couple days ’cause I’ve been really ill, but am popping on the feed to say hi,” sabi ni Catriona sa kanyang caption.

Makikita sa larawan ang dalaga na nakaupo sa hagdan katabi ang napakalaking bouquet of flowers na bigay da kanya ni Erickson Raymundo, ang may-ari ng talent agency na Cornerstone na siyang nangangalaga sa career ni Catriona.

“I’ll be back to usual programming soon,” dagdag pa niya.

Ang huli pang post ni Cat sa IG ay noong pang nakaraang linggo kaya naman marami ang nagtatanong kung bakit ilang araw nang walang bagong post ang dalaga sa kanyang social media accounts.

Bumuhos naman ang mga mensahe mula sa kanyang IG followers kabilang na ang mga kaibigan niya sa showbiz.

“Love you and get better, babe,” ang komento ng kapwa niya beauty queen na si Sandra Lemonon.

“Hope you feel amazing soon,” ang mensahe kay Catriona ni Vicki Belo.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial