Paslit hinalay ng kapitbahay

September 16, 2022

Arestado ang lalaking umano’y tahasang pinasok ang kanilang kapitbahay upang gahasain ang isang batang babaeng nakatira doon sa Negros Occidental, nitong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Jose Nadi Lobo (22).

Ganap na 12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente. Base sa salaysay ni alyas Mabel, mahimbing na umano siyang natutulog nang bigla siyang pasukin sa kanyang silid ng  suspek na armado ng patalim.

Tinutok umano ng suspek sa leeg ng paslit ang patalim at pinagbantaang papatayin kapag hindi sumunod sa kagustuhan niya.

Nang masigurong hindi na papalag ay doon na hinubaran ng pangibabang kasuotan ng suspek ang biktima saka tuluyang isinakatuparan ang balak. Agad itong pumulas ng takas.

Agad namang nagsumbong sa kanyang mga magulang ang biktima.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang mga ito at humingi ng saklolo sa pulisya.

Nahaharap ngayon sa kasong Rape in relation to RA 7610 (Child Abuse Law).


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial