Magandang oportunidad

By TDT

September 16, 2022

Nagbukas kamakailan ang isang napakagandang oportunidad para sa mga manggagawang Pinoy na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa matapos maikasa ang libo-libong job orders sa Singapore para sa Pinoy workers.

Ang mga ito ay aprubado na ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at ayon pa sa Department of Migrant Workers o DMW, magdudulot ito ng mas magandang pagkakataon sa trabaho para sa mga Pilipino.

“Even prior to the President’s visit, our labor office in Singapore had already approved close to 10,000 job orders with 5,000 jobs awaiting aircraft technicians in the aviation industry,” pahayag ni DMW Secretary Susan Ople.

Ayon pa sa DMW, sa mga susunod na buwan ay inaasahang mapupunan na ang mga aprubadong job order dahil na rin sa dagliang pangangailangan ng Singaporean employers.

Ang ilan sa mga trabahong nakalaan ay mula sa aviation industry kung saan nangangailangan ng nasa 5,000 aircraft technicians, medical industry na kailangan ng 3,000 healthcare workers, engineering industry na kailangan ng 1,000 skilled workers, Education industry na kailangan ng 500 workers at sa I.T. sector na kailangan ng 300 workers.

Inaasahan ni Ople na mas lalaki pa ang demand para sa mga Overseas Filipino Worker o OFWs sa Singapore bunsod na rin ng tagumpay na kauna-unahang state visit ng Pangulo sa nasabing bansa.

“Compared to other countries that also deploy migrant workers, our processing time takes months instead of weeks but with digitalization and given the remarkable talent and dedication of our workers, we expect a surge in demand for OFWs not only in Singapore but also in other parts of the world,” saad ni Ople.

Isang napakagandang balita nito, lalo na ngayong naibalitang mataas ang unemployment at underemployment sa bansa, kaya naman dapat ay masunggaban na ng mga kuwalipikadong manggagawang Pinoy ang oportunidad na ito.

Malaking tulong ito para sa mga OFW at para sa gobyerno.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial