Lolo dinikdik ng bareta

Durog ang ulo ng isang lolo sa Tuguegarao nitong Martes makaraang dikdikin ng bareta ng pamangking umuwing gutom at walang nadatnang pagkain.

Kinilala ang biktimang si Herminio Tarampi (73); ang suspek: Ronald Cabaruan (45), parehong residente ng Brgy. Masical., Sto. Niño, Cagayan.

Alas-nuwebe ng gabi, sa bahay ng ina ng suspek: Dumating umano si Cabaruan na lango sa alak at walang anu-ano’y pinagbuhatan ng kamay ang sariling ina dahil walang naabutang pagkain sa mesa.

Nang marinig ni Tarampi ang sigawan ng mag-ina ay agad niya itong inusisa at, nang makita niyang hinahambalos ng suspek ang kanyang ina ng bareta tool, ay mabilis niya itong inawat.

Doon siya napagbalingan ng suspek. Itininarak nito ang bareta sa ulo ng matanda sabay hinataw-hataw. Kahit nangingisay na ay dinukot pa nito ang mata ng tiyuhin gamit ang bareta.

Agad namang nakahingi ng saklolo ang ina ng biktima na nauwi sa agarang pagkakaaresto sa suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong murder.

Napag-alaman namang labas-masok na umano ang suspek sa kulungan dahil sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial