Beauty Gonzalez, magre-retire na

September 16, 2022

Wala na palang makakapigil sa plano ng aktres na si Beauty Gonzalez na mag-goodbye na sa showbiz pagkatapos ng anim na taon.

Kung matatandaan, napag-usapan na sa isang interview na hanggang six years na lang siyang mag-aartista nang makachikahan siya kamakailan ng ilang members ng media.

At muli nga niyang kinumpirma na ito pa rin ang balak niya after six years in the business.

“Yeah, inaway nga ako ng husband ko. ‘Ang yabang-yabang mo, six years ang sinasabi mo diyan!’ Ha-hahaha!” sabi ni Beauty. “Well, six years from now, I’ll still look like Ms. Rei Anicoche Tan, payat, sexy, and beautiful. ’Yan yung goal. And siyempre marami na akong nagawang projects hopefully na magaganda. And I mean, gusto kong mag-retire but kung meron mang magandang project na I cannot resist, who I am to you know, who am I to say no if maganda talaga?”

“But if kung kaya, I would really wanna retire loved and beautiful and while I’m still up there. Ayokong umalis ako na alam mo yun, yung parang hindi wala… yung hindi na maganda. Yung ganun. Gusto ko, pag nakatalikod ako, masaya pa rin ako,” dagdag niya.

“Ako kasi, I’m a type of person na pinaplano ko talaga. As much as I can, kung kaya kong planuhin yung career ko, I would plan it. And just like what I said kanina, if ever I retire, I wanna be retiring at my peak. I don’t wanna retire when I’m feeling and going down. Para when I turn my back, naka-smile pa rin ako. Hindi ako umiiyak,” saad pa niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial