Alexa Ilacad, natawa sa bashers

Hindi na pinapansin ng young actress na si Alexa Ilacad ang kanyang mga bashers at sa halip ay tinatawanan na lamang niya ang mga ito lalo na nang maging ang kanyang mga alagang aso at pusa ay pinapadalhan ng bashers ng mga negatibong mensahe.

“Tawang-tawa talaga ako sa mga taong sobrang desperate na mang-bash at saktan ako na pati mga aso’t pusa ko mine-message na nila,” saad ni Alexa sa kanyang tweet.

Wala namang ibinahagi ang dalaga kung ano ang eksaktong mensahe na ipinadala sa kanyang mga alaga at paanong pambabash na naman ang kanyang natanggap.

Nag-reply naman ang beauty queen at TV host na si MJ Lastimosa sa tweet ng dalaga.

“Kaloka pag sumagot yung mga alaga mo no? Tas minura sila,” sey nito na may hashtag pang “#whatif”.

Todo-tanggol rin ang mga tagasunod at tagahanga ni Alexa at pinayuhan rin ang dalaga na dedmahin na lang ang mga bashers dahil marami naman silang nagmamahal sa kanya.

“Lex, sila yung trabaho sa buhay ay maghagis ng kasamaan sa mundo. They can never put you down, for your star has shined and will continue to shine its brightest. God has heard you & now your time has come for your good,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “That’s how desperate people are, Alexa. You do you always as long as you’re doing the right thing. We love you!!! Always here for you no matter what. Don’t mind them, they don’t have a happy life.”

“Ipaubaya mo n lng sila kay Lord Lex. Karma is real so sa lahat Ng nangba bash kay baby girl @alexailacad nmn, get a life pls. Deadmatology Lang ang pang tapat ntin sa kanila. They can bash whenever they want! You have a good soul and heart. Don’t mind them,” hirit pa ng isa.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial