Zeinab Harake, happy ngayon

September 15, 2022

Masaya sa kanyang buhay ngayon ang vlogger at social media influencer na si Zeinab Harake lalo na ngayong mayroon nang nagpapatibok ng kanyang puso.

Pero pag-amin niya, wala siyang balak na ipakilala pa ang anak sa dati niyang karelasyon na si Skusta Clee.

Ayon pa sa kanya, mas gusto raw niyang maging pribado muna ang lovelife.

“Okay lang naman na malaman ng kahit na sino, e. Okay lang na private, pero hindi mo itinatago. Okay na ako sa ganu’ng set-up, e. Kasi, ang hirap ng lahat nilalantad mo sa media. Ang daming nakikisawsaw, ang daming comments. Ang hindi yun naging okay sa mental health ko before. So, natuto na ako ngayon. Low-key but not private po. Okay na ako nu’n,” sabi ni Zeinab.

“Hindi na puwedeng all-out na tayo ngayon. Ngayon, mas pinipili ko na dapat, give and take. Natutunan ko na yung salitang give and take, kasi ako po yung klase ng tao na madalas na…giver kasi ako, e. Sa kaka-give ko nang kaka-give, hindi ko namamalayan na wala na pala akong nare-receive. Ubos na pala ako,” dagdag niya.

May natutunan rin si Zeinab sa paghihiwalay nila ni Skusta na tatay ng kanyang anak.

“Dapat marunong kang mag-balance sa time mo sa work, sa time mo sa sarili mo. Time mo sa love life, sa anak mo. Dapat ma-balance mo at ma-manage mo nang sabay-sabay. Kasi dati, parang buong araw ko, du’n ako naka-focus, e,” sabi niya.

Sa ngayon ay wala raw siyang natatanggap na financial support mula kay Skusta Clee para sa anak nila at hindi na rin daw siya umaasa. Kering-keri naman daw niyang buhayin mag-isa ang anak.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial