Strict ang diet ni Herlene Budol

Ngayong nalalapit na ang pagsabak ng komedyana at beauty queen na si Herlene Budol sa 2nd Miss Planet International pageant na gaganapin sa Kampala, Uganda, inamin na niya strict diet ang kanyang ginagawa ngayon.

At ang kinakain lang niya? Itlog.

“Mag-i-start na po ako maghanda. Kasi, nanghihingi po ako ng 15 days na hindi diet,” sabi ni Herlene. “Kasi, diet po yung kalaban ko talaga. Nakakapraning pala pag puro ka diet. Di ba, buto’t balat ka na, may ikaka-diet ka pa ba dito?! Yun yung kalaban ko talaga! Kasi, nakakapanghina, nakakapraning, nakakaluto ng utak!”

May nagbiro naman sa kanya na keri lang ang medyo nagsakripisyo at mahirapan siya kung ang kapalit naman ay ang kanyang tagumpay at maraming pera.

“Mamamatay ka naman sa gutom. Sabi ng lola ko dati, nung nabubuhay pa, ‘Di baleng mamatay ka sa busog, huwag lang sa gutom, e!’ Dilat ang mata mo, kagaya nito?!” sabi pa ng dalaga.

“Akala ko dati, sabi ko, ‘Pagkatapos talaga nitong Binibini, kakain talaga ako ng madaming pagkain!’ Pero nu’ng kumain ako, siguro naka-isa’t kalahating kanin lang ako. Sayang yung bayad ko. Naku, kapag nakita mo ang mga kuya ko, malalakas kasi kumain talaga. O, 5’11”, 5’10. Kapag nagkainan kami, nanay ko lang, pandayo yun, e! Ngayon, mahina na akong kumain. Mga kapatid ko na lang,” dagdag pa niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial