Solusyon sa gutom inilagay sa libro

September 15, 2022

Ngayon ay maraming bansa ang nahaharap sa suliranin kung paanong ma-address ang pagkakaroon ng sapat na pagkain na maibibigay ng bawat pamahalaan sa lamesa ng kanilang mga citizen.

Problema ito lalo na sa mga third world countries na katulad ng Pilipinas, kung saan sa ating bansa ang sapat na suplay ng bigas, asukal, karneng baboy, manok at iba pang pangunahing bilihin. Pati tamban, nakupo.

Anyway, binanggit lamang po natin iyan kasi nga po meron pong nagpadala sa atin ng bagong limbag na libro na nagkaroon ng launching kamakailan.

Ang buod ng libro ay modernong technology and organic way of farming that will serve as solution to hunger in the country.

Successful ang naging launching ng librong nabanggit na pinamagatang “Leave Nobody Hungry,” which was authored by former Manila Bulletin reporter Virginia R. Rodriguez.

Ginanap na ang launching sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel in Intramuros, Manila nitong nakalipas na Lunes ng hapon kung saan dinaluhan ito ng mga malalaking pangalan katulad ni Secretary Trixie Cruz Angeles na siyang naging guest of honor.

Very inspiring ang ibinigay na virtual message ni Angeles kay Rodriguez at sa lahat ng dumalo sa launching ng libro.

Nagpasalamat si Angeles kay Rodriguez for writing the said book and expressed confidence that the book will serve as guide to the farmers to have a bountiful harvest.

Napapanahon ang nabanggit na libro kasi nga ang hinaharap natin ay ang magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa hapag ng bawat Pilipinong pamilya sa ating bansa.

Kasama pala sa mga dumalo sa event ay sina Atty. Alex Lopez, Dr. Eliseo Ruiz, Chief and Executive Officer and former Central Luzon State University (CLUS) president; Assistant Secretary Antonio Molano, Councilor Joey Amzola; Councilor Pablo Ocampo; Manila Police District (MPD) PBGEN Andre Dizon, at mga opisyal ng other local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs); businessmen, students at media personalities.

Sambit naman ni Rodriguez, gusto lamang niya na makatulong sa administration ni President Ferdinand Marcos Jr., na siya ring tumatayong secretary of the Department of Agriculture bunsod para sumulat siya ng nabanggit na libro.

“I would like to offer and to present this book to all the Filipino farmers so they can use my humble suggestions in expanding their knowledge in modern farming at affordable cause and for the students as their reference in their studies,” ani Rodriguez.

Tinalakay sa libro ni Rodriguez ang food crisis agenda ni PBBM including “Masagana 150.”

Bukod sa food security, tinalakay din sa libro ang creation ng trabaho na target din ng kasalukuyang administrasyon.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial