P408m shabu, nasabat!

Photo courtesy of the Police Regional Office 3 Read more: https://newsinfo.inquirer.net/1664248/p408-million-worth-of-shabu-hidden-in-tea-packs-seized-in-pampanga#ixzz7etBhU9Cz Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

September 15, 2022

Nasabat ng mga operatiba mula sa Special Operations Unit 3 ng Philippine National Police Drug Enforcement Unit ang nasa P408 milyon ang halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba sa isang gasolinahan sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa Mexico, Pampanga nitong Miyerkoles.

Dalawang Chinese nationals ang nahuli sa naturang operasyon at ayon kay Police Regional Office 3 regional director Police Brig. Gen. Cesar Pasiwen, nagpakilalang mga taga Angeles City ang mga suspek pero iba ang nasa kanilang ID.

“Mga Chinese nationals, sa claim nila taga-Angeles sila, pero sa ID, from Gerona, Tarlac yung isa at saka Metro Manila,” sabi ni Pasiwen.

Mahigit kumulang na 60 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa Chinese tea bags at nakabalot sako at plastic ang nasamsam ng mga suspek.

“Na-contact nila ang mga ito, nagdeal na bebentahan ang ating mga operatives ng shabu nung una, 5 kilos lang ito, ang usapan nila, nung naconsumate yung deal na 5 kilos, nahuli sila, nung buksan yung sasakyan nila, meron pa palang additional na 55 kilos,” dagdag pa niya.

Hinala ng PNP, miyembro ng isang drug syndicate ang mga nahuli na nag-aangkat ng droga mula sa ibang bansa.

“Sa tingin namin galing ng abroad ito kasi may mga markings na mga nakabalot, mga Chinese characters,” ani Pasiwen.

Ayon pa sa PNP, ang mga suspek ang itinuturong distribyutor ng droga sa Metro Manila, Region 3, at Region 4A.

Samantala, nasagip ng mga awtoridad ang 4 na lalaki at 2 babaeng biktima ng sexual exploitation — na may edad 9-buwan hanggang 16 anyos — sa Purok 3, Sta. Monica, Concepcion, Tarlac nitong Martes ng hapon.

Ang operasyon ay isinagawa ng Philippine National Police Women and Children Protection Center matapos makatanggap ang Philippine Internet Crimes Against Children Center ng referral ng umano’y online sexual abuse sa mga bata na kinasasangkutan ng ilang dayuhang perpetrator na nakikipag-ugnayan sa Pilipinong bugaw.

“Ang makikita lang po doon na info ay regarding po dun sa pagda-download o pagse-share ng mga CSAE materials (children sexual abused and exploitation materials) na involved po ‘yung mga bata,” sabi ni PMaj. Winnie Lampuyas, public information officer ng PNP Women and Children Protection Center.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial