Nakaaway si nanay, anak isinama ni tatay

September 15, 2022

Madaling araw. Pinasok ni Mark ang silid ng anak (6) na nahihimbing na. Walang anu-ano’y walang habas niya itong pinaulanan ng bala, sapat para tiyaking wala nang buhay ito at isa para sa sariling sentido.

Kinilala ng Santa Cruz Police ang batang babae na si Zhe-Yee Quinne Agculao Laguitnay (6) at ang kanyang amang si Mark Luther Lauitmay (35), businessman bodyguard/aid, sa Brgy. Bagumbayan.

Mabilis ding naisugod ng kanilang mga kaanak ang mag-ama sa Laguna Medical Center Hospital ngunit pawang nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.

Napag-alamang bago umano ang insidente ay nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang suspek at misis na pulis.

Sa gitna ng kanilang sigalot ay siya namang gayak ng suspek saka mabilis na umalis dahil may duty pa ito.

Problema sa kanilang pamilya ang matinding selos, na tinitignan ring posibleng dahilan sa krimen.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial