Barbie Imperial, may itinanggi

Todo-tanggi ang aktres na si Barbie Imperial sa mga naglabasang tsismis na nag-uugnay sa kanya sa aktor na si JM de Guzman.

Ayon kasi sa bali-balita noon, “friends with benefits” ang dating ng kanilang samahan, pero agad naman itong itinanggi ng dalaga at sinabing hindi naman daw sila naging ganoon.

“Uy grabe, hindi naman fubu. May emotions naman ‘yun. Saka wala namang nangyari sa… joke lang,” sabi ni Barbie.

Pero inamin ng dalaga na nagkaroon daw talaga siya ng feelings para sa Kapamilya actor.

“Hindi, it wasn’t just fubu. Ako siyempre ni-love ko talaga si JM. ‘Di ba nga sabi ko sa recent vlog ko na kahit hindi ex minahal pa rin talaga. Hindi. Hindi kami fubu, may emotions ‘yon. Like, minahal talaga,” saad ni Barbie.

Matatandaang nagkasama ang dalawa noon sa isang Kapamilya teleserye na “Precious Hearts Romances: Araw Gabi” at matapos nga ng kanilang proyekto ay umugong ang balitang may “something” na namamagitan kina Barbie at JM.

Pero ayon na rin sa dalaga, noong mga panahong iyon ay parehas silang “wasak” kaya naman hindi na natuloy sa pagiging mag-dyowa ang relasyon nila.

“Kakabreak ko lang din po noon e, kay Paul [Salas]. Parang masyadong mabilis. July nung nag-break kami ni Paul tapos si JM kasi lagi siyang nandoon talaga para sa’kin eh,” sabi ng dalaga.

Parehas silang nasa healing stage noon kaya naman naging malapit agad ang loob nila sa isa’t isa.

“Sinabi naman po namin dati na parang ‘di pa siya okay din. So parang kaming dalawa po, dalawang tao na wasak. Tinatry namin parehong ayusin ‘yung isa’t isa. Buoin ‘yung isa’t isa,” sabi ni Barbie.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial