B-day BBQ: Nene tuhog sa 2 tiyo

September 15, 2022

Shoot sa selda nitong Miyerkules ang magkapatid na halinhinang ginahasa ang sariling pamangkin (14) sa mismong kaarawan nito sa Labo, Camarines Norte.

Naaresto ang construction worker (30) at magsasaka (34) na hindi na rin pinangalanan ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape na in-issue ni Leo Lumabad Intia, Presiding Judge ng Branch 64 Labo, Camarines Norte.

Napag-alamang nag-umpisa umano ang serye ng panghahalay ng mga suspek noong Nobyembre 2021. Nauna umanong ginahasa ang biktima ng magsasakang tiyuhin gabi ng kaarawan ng dalagita.

Matapos pagparausan ay sinundan naman ng construction worker na suspek ang panghahalay sa pamangkin, na hindi agad nakapagsumbong dahil sa matinding takot at wala ring matakbuhan dahil nakikitira rin lang umano ito sa bahay ng mga suspek kasama ang lola.

Hindi pa doon natapos ang kalbaryo ng biktima at muli itong hinalay ng isa sa kanila.

Kung hindi pa napansin ng kanyang lola anh kakaibang kilos ng biktima ay hindi pa sana ito magkakaroon ng lakas ng loob na isumbong ang kalapastanganan ng mga tiyuhin.

Napag-alamang naghahanap-buhay sa malayong lugar ang ina ng biktima at ipina-alaga lamang sa kanyang lola.

Ang magkapatid ay pawang nasa Most Wanted list sa lugar.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial