Nicole Andersson, single na

September 14, 2022

Inamin ng content creator na si Nicole Andersson na single na siya ngayon at hindi na matutuloy ang naunang napabalitang kasal nila ng kanyang ex-fiancé na si Chris, na isang triathlete na naka-base sa Guam.

Sa bago niyang vlog sa YouTube, diretsahan nang sinagot ni Nicole ang tanong ng kanyang mga followers sa social media kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Chris matapos ang engagement nila noong January, 2022.

Ayon sa dalaga, single na siya uli and very happy sa kanyang buhay ngayon kahit wala siyang karelasyon.

“I’ll answer it once and for all, also para tapos na and we could move on. But, I am single. So, there is no wedding happening. For a while, you know this, I didn’t want to address it because I was just like, ‘Oh well. It’s parang like a breakup.’ Kebs, next, right?” sabi ng dalaga.

“But at the same time, I was like, I know that I don’t owe anyone an explanation… but at the same time, I announced…because I announce… and they are excited,” dagdag niya.

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye si Nicole kung ano talaga ang rason ng paghihiwalay nila ni Chris.

“The only reason I’m private about it is because this life, this YouTube life that I chose, it was a decision I made for my life. It was my decision and I don’t want to force that on anyone in my life, including people I’m in a relationship with,” sabi ni Nicole.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial