Maricar Reyes, okay kahit walang anak

September 14, 2022

Aminado ang actress-entrepreneur na si Maricar Reyes na ayos lamang sa kanya kung hindi man sila mabiyayaan ng anak ng kanyang asawang si Richard Poon kahit pa lagi na silang nagsusubok makabuo ng anak.

Ayon sa aktres, wala namang problema sakaling hindi man sila magkaanak ni Richard dahil kuntento at happy naman daw sila sa pagsasama nila bilang mag-asawa.

“After two years nu’ng ikinasal kami, we really planned on not having kids for the first two years, after that puwede na. We even got checked. There’s no problem with him and there’s no problem with me.

Feeling ko we did our due diligence naman on our side, humanly possible, pero wala e,” saad ni Maricar.

“Meron lang talaga akong peace na kung meron, okay, kung wala, okay. It doesn’t make me feel like I’m less of a person or I’m less of a female. Kung wala, wala e. Ginawa mo naman ‘yung part mo e, and I rest on that,” dagdag pa niya.

Sabi pa ng aktres na hindi naman niya binabalewala kung may mga babaeng nakakaramdam ng depresyon o kalungkutan dahil hindi pa nagkakanak.

“Not to discredit women who don’t have the peace, kaya lagi akong may disclaimer na hindi galing sa akin to, e. Some things God makes easy for you, and some things God makes a little more challenging,” kuwento ni Maricar.

Ikinasal sina Maricar at Richard noong 2013 at nito lamang nagdaang June ay ipinagdiwang na ng celebrity couple ang kanilang 9th anniversary.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial