Kim Rodriguez, may poser

September 14, 2022

Hindi pinalampas ng talent manager na si Ogie Diaz ang mga kumakalat na tsismis sa social media na ipinagkakalat umano ng kanyang alagang si Kim Rodriguez na mawawala na siya sa hit TV series na Mars Ravelo’s Darna.

Ayon sa talent manager, poser lamang ng dalaga ang gumagawa ng mga bali-balita at walang katotohanan ang mga pinagsasasabi nito.

Dagdag pa niya, maganda ang karakter ni Kim bilang si Xandra na kaliwang-kamay ng kontrabidang si General Borgo na hindi pa inire-reveal kung sino.

Kung matatandaan, may mga kumalat sa social media na umano’y galing mismo sa social media account ni Kim kung saan nakasaad ang pahayag na “Papatayin na ‘yung character ko sa Darna sa September 30, 2022, Friday last day ko na. Last day ko na rin sa ABS-CBN dahil inofferan ako ng GMA na bumalik sa network nila. Tinanggap ko ang offer.”

Bukod kay Kim ay hinainan din daw ang manager niya ng Kapuso network base pa rin sa post ng poser.

“Ang manager kong si Ogie Diaz ay inofferan din ng GMA na lumipat sa network, tinanggap ng manager ko,” ang sabi ng poser.

Giit ni ng talent manager, hindi totoo ang naturang post ng poser.

“Dyusko unang-una walang alok, paano ako lilipat? Hindi po totoo at patuloy po na nagte-taping ang (Darna) at sa katunayan ay nasa lock-in po ngayon si Kim Rodriguez,” pagkaklaro ni Ogie.

“Hindi ito si Kim Rodriguez at saka nakalagay dito, ‘si Kim Roddriguez ay nasa GMA Network.’ Pero meron po siyang Official Fan Page na may 5.9M ang followers sa Facebook.

Sa kasalukuyan ay freelance artist ang dalaga kaya maaari siyang lumabas sa GMA at ABS-CBN.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial