BIANCA UMALI, TODO-SUPORTA

September 14, 2022

Mukhang wala na talagang hahadlang pa sa relasyon ng aktres na si Bianca Umali sa aktor na si Ruru Madrid kahit hindi sila ang magkatambal sa kani-kanilang projects sa GMA 7.

Sa isang mall show kasi, talagang hindi magkamayaw ang mga fans ng dalawa nang magkasamang pumagitna sa stage ang celebrity couple na parang first time in a long while nakita ng mga fans.

Mainit ang naging pagtanggap sa dalawa lalo na nang mag-perform sila at lalong kinilig ang mga fans ng may sabihin ang dalaga.

Mas lumakas pa ang sigawan ng audience nang ipakilala na ni Bianca si Ruru sa show, kung saan makikitang talagang todo ang suporta niya aktor.

“Eto ang talagang may-ari ng puso ko, palaging sumusundo sa akin, ang nag-iisang lalaki sa buhay ko! Let us all welcome Lolong, Ruru Madrid!” sabi ni Bianca.

Ayon pa sa dalaga, open na sila sa mga tao.

“We are very open sa mga tao na makita kung paano talaga kami. Wala kaming inaamin, at wala rin kaming tinatago. Basta happy kami.”

Nakasama rin nina Bianca at Ruru sa show ng Beautederm ang iba pang ambassador ng kumpanya ni Miss Rei tulad nina Zeinab Harake, Jelai Andres, Buboy Villar, JC Santos, Boobay at DJ Chacha.

Nagkaroon din ng meet-and-greet with the fans ang mga nabanggit na celebrities pagkatapos ng event na sinundan naman ng ribbon-cutting ceremony para sa bagong branch ng Beautederm sa nasabing mall.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial