93K maaaring tanggalin sa 4Ps

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes na hindi bababa sa 93,600 sa 1.3 milyong na households na itinuring na “non-poor” ng ahensya ang maaaring tanggalin sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang conditional cash transfer program para sa pinakamahirap na Filipino.

Sa public briefing, sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na hindi bababa sa 22% ng 1.3 milyong kabahayan na ito ang na-validate na bilang “non-poor.”

“Mahigit 1 milyong benepisyaryo ng 1.3 milyong kabahayan ang sumasailalim sa field validation at sa ngayon ay 22% na ang na-validate at tinatantya pa namin na 93,600 dito ang mairerekomenda naming tanggalin sa programa dahil hindi sila mahirap,” ayon kay Lopez.

Batay sa inisyal na datos ng DSWD, 187,000 ang tinanggal sa aming programa o nakapagtapos na. Mayroon din kaming 24,000 boluntaryo na nag-waive o umalis sa programa.

Samantala, naglaan ang DSWD ng P115B para sa 4Ps program sa ilalim ng proposed 2023 budget nito.

Sa ilalim ng 4Ps law, ang mga benepisyaryo nito ay maaaring tanggalin sa ilalim ng mga sumusunod na batayan: ang bunsong anak ng sambahayan ay nakatapos na ng senior high school; ang sambahayan ay nasa programa sa loob ng pitong sunod na taon; kapag ang isang sambahayan ay nakagawa ng mga pagkakasala/lumabag sa mga kondisyon para sa cash grant; boluntaryong paglabas sa bahagi ng benepisyaryo; at itinuring ang isang sambahayan na hindi mahirap batay sa pagsusuri ng DSWD.

Matatandaang, nauna nang sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na 1.3 milyong kabahayan ang ikinategorya ngayon bilang “non-poor”, ibig sabihin ay hindi na sila kuwalipikadong tumanggap ng cash assistance mula sa national government.

Sinabi rin nito na ang katayuan ng humigit-kumulang 600,000 pang recipients ay patuloy pa rin sinusuri ng kagawaran.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial