Zeinab Harake, ayaw pumasok sa showbiz

September 13, 2022

Iginiit ng vlogger at social media superstar na si Zeinab Harake na hindi pa siya handang pasukin ang mundo ng showbiz kahit pa marami siyang nakukuhang mga offers mula sa iba’t ibang TV networks.

“Natatakot lang po talaga akong pasukin ‘yung mundo ng showbiz, feeling ko kasi hindi pa ako handa na sumabak sa acting,” ang pag-amin ni Zeinab sa harap ng entertainment media nang ipakilala siya ni Rhea Anicoche Tan bilang pinakabagong brand ambassador ng pag-aari niyang Beautederm Corporation.

Nasubukan na rin daw ni Zeinab ang showbiz noong bata pa siya pero parang hindi raw talaga niya kaya ang demands sa pagiging artista.

“Ako po talaga, gusto ng parents ko na mag-artista ako, lalo na ‘yung mama ko. Sa totoo lang po, nag-o-audition po ako sa GMA, sa ABS, sa kahit saan. Naranasan ko pang maging ekstra sa mga TVC noong bata po ako. Talagang nakita ko kung gaano kahirap at kagaling ‘yung mga artista. Hindi ko masabi na kaya kong gawin ‘yung kaya nilang gawin, e. Magiging totoo lang po talaga ako palagi sa kung hanggang saan ang kaya ko,” saad ni Zeinab.

“For now, kung ano po ‘yung nao-offer sa akin, lumalabas po ako sa TV, nagkakataon po na kapag guesting naman kasi is being you lang din naman ‘yun. So, para lang din akong nagba-vlog, ganu’n. Pero pagdating po sa serye at sa movies, malalaman pa po natin ‘yan. Sa mga sayaw-sayaw, guesting-guesting, pumapalag naman po ako diyan. Kahit talk show-talk show, kasi sayang naman ‘yung konting talakan ng isip ko pagdating sa mga standards ng mga mamamayan. Sa kanila kasi ako lumaki, e. ‘Yung bunganga ko, pang-kanila talaga ‘yun. ‘Yung mindset ng streets, iba po talaga ‘yon, e. The way, na nagsasalita ako sa mga video ko, nagugustuhan nila and nakaka-relate sila,” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial