Sa puwet tinarget

Isang construction worker ang sugatan matapos na saksakin sa puwet ng kanyang kapitbahay habang isa pang umawat lang ang sinaksak din sa singit naman sa Santa Maria, Bulacan, Lunes ng gabi.

Kinilala ni Bulacan Police officer in charge PCol. Relly Arnedo ang suspek na si Jaypee De Juan, nasa hustong gulang, binata, habang ang mga biktima ay sina Gonzalo Pacubas, 35, at Gary Layson, 35, kapwa construction worker ng Brgy. Sitio Putol, Brgy. Bulac.

Alas 6:30 ng gabi nitong nang maganap ang insidente, naghahapunan umano noon si Gonzalo at ang kanyang asawa nang marinig na nagsisigaw sa tapat ng kanilang pintuan ang lasing na si De Juan.

Nagsisigaw umano ito ng kung ano-ano dahilan upang labasin na siya ni Gonzalo at kinumpronta kung anong problema nito.
Wala namang imik na umuwi ng kanyang bahay ang suspek ngunit ilang saglit lang ay bumalik ito na armado na ng balisong.

Doin niya nakasalubong si Gonzalo saka walang ano-anong sinaksak niya ito sa kanyang puwitan at kaliwang bahagi ng likod nito.
Mabilis namang umawat si Layson ngunit maging siya ay sinaksak din ng suspek na tinamaan sa kanyang singit.

Agad ding naisugod sa Rogaciano Mercado Hospital ang mga biktima habang ang suspek naman ay agad ding naaresto ng mga awtoridad na rumesponde.

Kasong attempted murder at frustrated homicide ang kinakaharap nito ngayon.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial