Beauty Gonzalez, hot mama

September 13, 2022

Maraming netizens ang nakakapansin ngayon kay Beauty Gonzalez at ayon sa ilan, habang tumatagal ay lalong gumaganda at sumiseksi ang aktres kahit pa isa na siyang celebrity mother.
Ang tawag ngayon ng ilan sa kanya ay certified hot mama.

Sa isang mediacon, natanong si Beauty kung hindi ba sila nagkakaroon ng isyu ng kanyang asawa na si Norman Crisologo sa tuwing may mga naglalabasang sexy photos niya at ayon sa kanya, proud umano ang asawa niya.

Aminado naman ang aktres na napakahirap mag-maintain ng ganu’ng kagandang katawan.

“Oh yeah, it’s hard. It’s really hard. As you age, everything changes in your body,” sabi ni Beauty at dagdag niya, go siya kung kailangang mag-bikini sa mga pelikula o teleserye.

“As long as I have the body, why not? Kung mataba na ako, magtatago na ako. Hindi na ako maggaganyan. Habang kaya, go!” sabi ni Beauty.

Nagbahagi rin siya ng ilang detalye tungkol sa solid na solid na relasyon at married life nila ni Norman, “That takes two to answer, that question! Well, siguro I had my husband at the right time. He had me at the right time also.”

“And we just really click. Paano ko ba ie-explain? Hindi kami nag-aaway, ha? Hindi pa kami nag-aaway to the point na nagwu-walk out or like iyakan or what. Puro tawanan lang. Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero sobrang swak lang na swak yung ugali naming dalawa. And importante talaga yung you have time for each other, no matter kung gaano man ka-busy yung work mo,” sabi ni Beauty.

“You have to have time, and you have to respect yourself, and you respect your husband. So importante when you respect yourself, you respect people around you also. Kasi ang daming mga temptation, andaming mga bago ngayon, mga bagay-bagay. Pero pag nirerespeto mo ang sarili mo, kahit sa kaibigan, kahit sa business, kahit sa marriage…matiwasay yung buhay mo,” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial