Barbie Imperial, nagpaliwanag

September 13, 2022

Binasag na ng aktres na si Barbie Imperial ang katahimikan niya kaugnay sa isang isyu na umano’y naglilink sa kanya sa aktor na si Daniel Padilla na boyfriend ng aktres na si Kathryn Bernardo.

Aminado ang dalaga na nahihiya siya kay Kathryn dahil sa tsismis at sinagot na rin niya ang mga taong na may kaugnayan kay Daniel noong kasagsagan ng isyu sa paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga.

“Pumunta ako ng bahay ni Tita Karla kasi first kaibigan ko si Tita Karla, and si Magui (kapatid ni Daniel), kaibigan ko rin. And nu’ng pumunta ako doon, kaka-break lang namin actually ni Diego nu’n. And ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan, si ate Ara (Mina), si Tita Karla. So pumunta ako kay Tita Karla kasi wala si mama rito,” kuwento ni Barbie.

“Ayaw ko kasi na pagkaka-break ko lang, emotional ako, pupunta ako ng gimikan, iinom. Hindi ganu’n. Parang lalapit ako sa parang mom talaga mag-advice. And para fair ‘yung advice, kasi si Tita Karla parang anak-anakan niya rin si Diego,” dagdag pa niya.

Nilinaw rin ng dalaga na wala si Daniel sa lugar.

“Wala si Daniel doon. Ang nandoon lang, si Tita Karla, family niya, si Magui. Andoon din ‘yung Beks Batallion. So for me, talaga ba? Kung may gagawin akong masama, andoon ‘yung Beks Battalion? Nasa vlog pa ako, ang bobo ko naman kung ganu’n,” sabi ni Barbie.

Hindi rin daw totoo na si Daniel ang nag-comfort sa kanya noong nagmu-move on siya sa breakup nila ni Diego.

“Saan galing ‘to? Not true. Hindi. Wala akong ma-explain kasi ngayon ko lang nalaman ‘yung about this tsismis. Pero hindi, hindi totoo,” giit ni Barbie. :Ngayon ko lang yata sinagot ‘to kasi nanahimik talaga ako, eh. Kasi nung time na ‘yun, ‘yung nangyari ‘yung tsismis na ‘yun, siyempre nahihiya ako unang una kay Kath. Kasi anong iisipin niya, ganito ganyan.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial