Alodia Gosiengfiao, safe sa fiance

September 13, 2022

Aminado ang cosplayer at gamer na si Alodia Gosiengfiao na kung siya ang masusunod, ayaw na sanang ikalat sa publiko ang paghihiwalay nila ng content creator na si Wil Dasovich.

Ayon sa dalaga, mas nais niyang gawing pribado na lang ang breakup nila ng ex-boyfriend para hindi na ito maging usap-usapan ng publiko lalo na ng mga netizens.

Nitong nakaraan ay nagkuwento ang dalaga kaugnay sa paghihiwalay nila ni Wil at sa kanyang fiancè na si Chris Quimbo sa latest vlog ng celebrity cosmetic surgeon na si Vicki Belo.

“It was last year but the announcement came later kasi I wanted to keep it under wraps. I mean, as much as possible I don’t want any noise. I don’t want drama, to be honest,” sabi ni Alodia.

Ngunit napilitan din si Alodia na umamin sa publiko dahil parang na-pressure na siya sa dami ng nagtatanong sa kanya about the breakup, kabilang na ang kanyang mga kaibigan.

“Eventually, people kept on asking what had happened. I was flying to L.A. that time and everyone in the airport was asking where my (ex-boyfriend was). It was hard for me to lie so eventually I had to post online so that people know,” sabi pa niya.

Nang maka-move on na sa kanyang failed relationship, na-meet ni Alodia ang kanyang fiancé na si Chris na inilarawan niyang napakapositibong tao.

Ayon sa kanya, hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang marriage proposal kahit four months pa lang silang nagde-date dahil pakiramdam niya, safe na safe siya sa piling ni Chris.

“We were both talking about it because we’re both futurists as well. When we talked about that, it was mostly very positive, happy thoughts. Parang I’m not scared if ever things grow deeper,” saad ni Alodia.

Nitong nagdaang July in-announce nina Alodia at Chris ang kanilang engagement na ikinagulat ng kanyang supporters dahil nga sa bilis ng mga pangyayari.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial