Zeinab Harake, may BF na

Kumakalat ngayon sa social media na confirmed nang may bago nang karelasyon ang vlogger at social media influencer na si Zeinab Harake at ayon sa mga netizens, non-showbiz ang kanyang bagong boyfriend.

Mismong ang isa sa pinakasikat at pinakamaraming subscribers na YouTuber sa bansa ang nagkumpirma na may non-showbiz guy na nagpapasaya ngayon sa kanya.

Sa isang mediacon, sinabi ni Zeinab na happy ang kanyang personal life pero ayaw muna niyang magbigay ng todo-todong detalye about the guy pero may mga usapan na ang boyfriend niya ngayon ay ang urban planner at engineer na si Hans Alcanzare. Noong July pa sila nali-link at feeling nga ng kanyang followers ay may relasyon na sila.

May mga netizens pa nga ang nagsabi na bagay na bagay sina Zeinab at Hans kasabay ng pang-ookray sa dati nitong karelasyon na si Skusta Clee.

“Sa lovelife naman, okay lang naman malaman ng kahit sino. As long as private pero hindi mo itinatago. Okay na ako sa ganu’ng set up kasi ang hirap na lahat inilalantad mo sa media. Ang daming nakikisawsaw, ang daming comments, and hindi iyon naging okay sa dati kong experience before. So, natuto na ako ngayon, low key but not private po. Okay na ako roon. So, meron po. Happy po ako ngayon, after lahat ng pinagdaanan ko,” sabi ni Zeinab.

“Thank you for understanding me talaga. Kasi sobrang understanding niya po sa lahat ng mga nangyari sa akin. Tapos siyempre sino ba naman ang mag-aakala… kasi single mom ako e. Akala ko dati pag single mom ka, wala na, done na. Hindi pala. Talagang may makakapagpa-realize sa iyo, hindi ko masasabi na 100 percent siya yung nakapagpa-realize sa akin, siyempre yung realization na iyon nanggaling mostly sa akin e. So, naging part siy and makatutulong sa growth ko,” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial