Julia Barretto, pumalag

May mga hirit pala ang aktor na si Matteo Guidicelli sa aktres na si Julia Barretto at hindi ito pinalampas ng dalaga sa “Lunch Out Loud” segment na “Maritest” ang dalaga kung saan ang asawa naman ni Sarah Geronimo ang host.

Naungkat nga ni Julia ang nangyari sa pagitan nina Matteo at ng kanyang kaibigang si Alex Gonzaga na talaga namang pinag-usapan sa social media.

Matatandaang nag-trending sina Alex at Matteo kamakailan nang i-call out ng huli ang bunsong kapatid ni Toni ukol sa mga pagbibiro nito at pag-uungkat ng past relationship ng TV host-actor.

Pabirong inuusisa ni Julia kung kumusta na ang dalawa kahit na alam naman niya na biruan lang ang nangyari sa pagitan ng dalawa na sinersyoso lang ng mga netizens kaya naging malaking isyu sa social media.

Kinulit rin ng aktres si Matteo patungkol kay Alex na kasalukuyang nagbababakasyon na siyang sinakyan naman ng aktor at humingi pa ng pasalubong on national TV.

“I miss you, Lex! Please come back home and bring pasalubong for everyone and please extra pasalubong for me,” saad ni Matteo.

Kinulit pa ni Julia si Matteo hanggang sa mag-sorry ang aktor kay Alex dahil sa naging isyu na biruan lang naman talaga.

Patuloy ang biruan ng dalawa hanggang sa mabanggit ni Matteo kung nag-text na raw ba si Joshua sa aktres.

Natawa naman si Julia at sinabing hindi iba na ang boyfriend nito at pinaayos sa TV host ang tanong nito.

Humingi naman ng sorry si Julia sa mga pangalan na kanilang nababanggit at sinabing hindi nila sinasadya na mabanggit ang mga ito.

Nag-shout out na rin si Matteo sa boyfriend ng aktres na si Gerald Anderson sabay biro na kay Gerald daw nagsimula ang salitang “ghosting”.

Tumahimik naman at pabirong nag-make face si Julia sa tinuran ni Matteo pero agad naman itong bumawi at sinabing kaya daw niya nalaman ang salitang ghosting ay dahil mismo kay Matteo.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial