Huli sa akto, misis kinasuhan ang nangangabit na mister

Kalaboso ang isang dating pulis at guro matapos na mahuli mismo ng pulisya sa akto na nagtatalik sa loob ng isang lodging inn sa Davao City nitong Miyerkules.

Kasong concubinage at RA 9262 o violence against women and their children act ang kinakaharap ng lalaking suspek na itinago sa pangalan Mario, retired investigator police habang adultery naman ang kakaharapin ng kalaguyo nitong guro na itinago sa pangalan Cindy.

Sa ulat ng Davao City Police Station 4, ay humingi umano ng saklolo sa kanilang himpilan ang misis ng retired police dahil sa panloloko ng kanyang asawa at guro na nauna na rin niyang inireklamo sa barangay.

Agad na nagsagawa operasyon ng mga pulisya at pinuntahan ang nasabing inn na kinaroroonan ng magkalaguyo.

Pagbukas ng kanilang pinto ay huling huli pa sa akto ng mismong kapulisan na nakakubabaw pa si Mario sa kalaguyong teacher dahilan upang mabilis silang pagbihisin ng pulisya saka parehong binitbit sa kanilang himpilan.

Sa ngayon ay pansamantalang nakalabas ng kulungan si Cindy nang magpiyansa ng halagang P3,000.00 habang nasa P100,000.00 naman ang piyansa ni Mario kung nais nitong makalaya pansamantala.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial