‘Hiwalayang’ Heart-Chiz, pinalagan

September 12, 2022

Naglabas ng paglilinaw ang GMA-7 nitong nakaraan na wala umanong katotohanan ang mga kumakalat sa social media na maglalabas sila ng pahayag ukol sa diumano’y paghihiwalay ng actress-vlogger na si Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Kung matatandaan, isang artcard kasi mula sa isang entertainment site ang nag-circulate sa social media nitong Huwebes, na may kaugnayan umano sa paghihiwalay ng dalawa.

“Ang GMA-7 daw ang maglalabas ng official statement para kumpirmahin ang hiwalayan nina Sen. Chiz Escudero and Heart Evangelista,” saad ng caption sa art card.

Nilinaw ng GMA-7 na walang katotohanan ang kumakalat na balita at nag-post rin sila sa kanilang official social media accounts para mas maging malinaw ang balita sa lahat.

“Beware of fake news, mga Kapuso,” saad sa caption ng GMA-7 kalakip ang kumakalat na artcard na may malaking nakasulat na “fake news”.

“Hindi totoo na maglalabas ang GMA ng statement tungkol sa nasasabing issue.”

Matatandaang ilang linggo na ring usap-usapan ang patungkol sa diumano’y marital problem na pinagdaraanan nina Heart at Sen. Chiz na mas lalong umugong nang tanggalin ni actress-vlogger ang kanyang apelyidong “Escudero” sa kanyang Instagram handle.

Bukod rito ay marami pang mga naging bulung-bulungan ang mga netizens na kesyo matamlay na rin ang mga ni Heart noong huli silang makitang magkasama sa event na GMA Gala Night pati na rin ang tila hindi pagsusuot ng aktres ng kanyang wedding ring.

At noong nakaraang Biyernes, Setyembre 2, ay naglabas siya ng kanyang vlog kung saan inamin niya na mayroon siyang “personal” na pinagdaraanan.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial