SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

MAY RED TIDE NA NAMAN

MAY RED TIDE NA NAMAN
Published on: 

Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Sabado na nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poisoning toxin o red tide ang mga nakuhang sample sa San Pedro Bay na sakop ng bayan ng Basey, Samar na isinailalim sa laboratory examination.

Ayon sa regional office ng BFAR, nagpositibo rin sa red tide toxin ang mga sample mula sa Matarinao Bay kaya umiiral pa rin ang shellfish ban.

Ang Matarinao ay sakop ng mga bayan ng General MacArthur, Hernani, Quinapondan at Salcedo sa Eastern Samar. Samantala positibo rin sa red tide ang coastal waters ng bayan ng Guiuan, Eastern Samar.

Dahil dito, nagpaalala ang BFAR sa publiko na iwasan muna ang pagkuha, pagbili, at pagkain ng anumang klase ng shellfish at alamang o hipon sa mga nasabing dalampasigan.

Maaari namang kainin an mga isda, pusit, at alimango mula dito basta't huhugasan nang maigi bago lutuin.

Kung matatandaan, nagpositibo na rin noong nakaraang dalawang buwan ang ilang karagatan sa Eastern Visayas na isinailalim sa laboratory examination.

Nagpositibo noon sa red tide toxin ang mga sample mula sa karagatang sakop ng Biliran Island; Leyte, Leyte; at Daram, Samar.

Dahil dito, nagpaalala ang BFAR sa publiko na iwasan muna ang pagkuha, pagbili, at pagkain ng anumang klase ng shellfish at alamang o hipon sa mga nasabing dalampasigan.

Maaari namang kainin an mga isda, pusit, at alimango mula dito basta't huhugasan nang maigi bago lutuin.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph