Jillian Ward, challenged sa role

September 11, 2022

Aminado ang aktres na si Jillian Ward na challenging ang gagawin niyang role sa pinakabago niyang serye na Abot-Kamay na Pangarap kung saan gaganap siya bilang isang surgeon.

“Naaalala ko po, mga five years old]po yata ako, tinatanong po nila anong gusto ko maging. Sinasabi ko daw po doktor, at saka po artista, at saka singer po talaga. Ayon po, tatlo,” sabi ni Jillian.

“Pero sa ngayon po, dahil sa character kong ito, masasabi ko pong napakahirap maging doktor. Ito po, role pa lang, ang hirap na po mag-memorize ng mga medical terms. What more ’yong mga nasa medical field po talaga,” dagdag niya.

Pero kahit nahihirapan ay masaya at nagpapasalamat daw s’ya na nabigyan s’ya ng pagkakataon na bumida sa isang teleserye na related sa medicine.

“Una po sa lahat, super challenging po talaga ng role na binigay sa akin and sobrang saya ko po sa mga makaka-work ko po ngayon na puro veteran actors. Lahat po magagaling. Sobrang saya ko po ngayon dahil binigyan po ako ng ganitong opportunity po ng GMA. Sana po talaga magustuhan ng mga tao,” sabi ng dalaga.

Inamin n’ya rin na kabado s’ya sa seryeng ito dahil madalas mag-viral online ang mga video clips sa emergency room ng ilang medical drama series dahil sa mga maling ginagawa ng mga aktor sa eksena.

“Sa totoo lang po, kinakabahan po ako. Dahil nga po, tulad ng sabi ni Direk LA [Madridejos], kapag po medical shows palagi pong napupuna,” saad pa niya.

“Minsan po ako na mismo ang nagsasabi, ‘Tama ba po ba ito?’ Ganyan, ganyan… Pinapaulit-ulit ko… So may kaba po pero super grateful po ako kaya super excited po ako.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial