Janella Salvador, naba-bash

Naba-bash pala ang aktres na si Janella Salvador matapos niyang i-reveal ang estado ng kanyang relasyon at buhay may anak kung saan inamin na niyang isa na siyang single mom na siyang kumpirmasyon rin na hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak na si Markus Paterson.

Marami sa mga netizens ang humanga sa kanyang matapang na pag-amin at kanyang tatag ng loob para palakihin ang kanilang anak na si Jude at ayon kay Janella, proud na proud siya sa kanyang sarili dahil dahil isa siyang working single mother.

“Being a single mom. Talagang nilalaban ko iyon. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I don’t want it to sound bad kasi, pero I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba,” sabi ni Janella.

Pero may ilang mga netizens ang bumabatikos sa aktres.

“Agad ka kasi bumigay sa pogi, ‘yan napala mo, single mom ka tuloy,” saad ng netizen, na hindi naman pinalampas ng isang fan na admin ng isang Facebook account na nagngangalang “Janella Salvador” at diretsahang sinagot ang komento ng naturang netizen.

“Stop talking that you know everything. You don’t know me. I’m not even judging your overly edited face,” sagot nito.

Pero say ng mga netizens, mukha namang agree rin si Janella sa naturang comment ng kung sinuman ang tao sa likod ng Facebook account na gumagamit ng kanyang pangalan.

Matatandaang nangyari na rin ang ganito noon kung saan may netizen na nang-bash sa kanya ngunit isang Facebook page rin na gumagamit ng kanyang pangalan na nagtanggol sa kanya.

Pinabulaanan ni Janella na siya ang nag-comment at sinabing hindi niya pagmamay-ari ang naturang FB account ngunit sinabi niyang okay sa kanya ang naging sagot nito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial