Heart Evangelista, sa Paris na titira?

September 11, 2022

Habang patuloy na umuugong ang balitang hiwalay na ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista at Senador Chiz Escudero ay lalo namang nakatuon ang pansin ng mga netizens sa mga latest post ng aktres.

Ayon sa mga netizens, kung titingnan daw si Heart ay parang patuloy pa rin siya sa kanyang buhay sa kabila ng mga tsismis patungkol sa marital problem na pinagdaraanan nila ng asawa.

Abala ang aktres ngayon sa kanyang career at siya nga ang napiling cover ng magazine na L’Officiel para sa September cover ng kanilang magazine at nitong nakaraan, nasabi ni Heart ang kanyang plano na magpagawa ng sarili niyang tahanan sa Paris, France.

“In this exclusive interview with L’Officiel, read about how she’s taking everything in — from the highs and the lows — as she makes one crucial step after another to finally build the home she had always dreamed of in Paris,” base sa caption ng post ng fashion magazine sa Instagram na ni-repost ng aktres.

Kaya naman instant bulungan na naman kung talaga nga bang calling it quits na ang mag-asawa sa kanilang marriage dahil sa mga ganitong klase ng balita.

Kung matatandaan, ilang linggo na ring usap-usapan na mayroon ngang pinagdadaanan ang mag-asawa na mas lumalim pa nang mapansin ng mga netizens na tinanggal na ni Heart ang “Escudero” sa kanyang Instagram handle.

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens patungkol rito dahil sa kabila ng pagtanggal ng kanyang apelyido ay nananatili naman ang “wife” bilang isa sa mga nakasulat sa kanyang bio.

Ngunit nitong nakaraang linggo ay inamin na rin ni Heart na may personal siyang pinagdaraanan sa buhay kaya hindi siya masyadong nakakapag-vlog.

Bagamat wala naman siyang direktang sinabi kung ito ay may kaugnayan sa kumakalat na tsismis patungkol sa diumano’y paghihiwalay nila ng asawa ngunit dahil sa kanyang vlog ay marami ang naniniwala na baka totoo ito.

Nagsalita na rin ang ina ni Heart na si Cecile Ongpauco at nilinaw na wala siyang alam kung ano man ang nangyayari sa mag-asawa.

Sa kabila nito ay naniniwala siya na magiging maayos ang lahat sa pagitan ng mag-asawa.

“It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK!” sabi ng nanay ni Heart.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial