Carla Abellana, magaling bumaril

September 11, 2022

Ilang mga netizens ang napahanga ng aktres na si Carla Abellana nang ipakita nito ang kanyang husay sa paghawak ng baril at sa kanyang IG, ibinahagi niya ang kanyang naging gun-firing session.

“Time to invest for my safety and protection?” tanong pa n’ya sa inilagay n’yang caption kalakip ang series of photos and videos kung saan makikitang may hawak s’yang baril at pinupuntriya ang target board.

Ipinagmalaki rin n’ya na komportable daw s’ya sa paggamit ng CZ P01 Omega Pistol pero naging instant favorite n’ya umano ang CZ Scorpion EVO3 S1 Rifle nang masubukan n’ya ito.

“I’ve been most comfortable with (and quite good at handling) a CZ P01 Omega Pistol ever since, but the CZ Scorpion EVO3 S1 Rifle? Let’s just say i have a new favorite,” pahayag ni Carla.

Namangha naman sa ipinakitang husay ng aktres ang kanyang fans and friends gaya ni Max Collins na nagyayang sabay daw sila sumabak sa gun firing session minsan.

Aprubado rin sa supporters ni Carla ang training na ito para na rin umano maprotektahan n’ya ang kanyang sarili.

Para naman sa ilang fans, pupuwede na rin daw sumabak ang aktres bilang isang action star.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial